moderetso team
Search
 
 

Display results as :
 


Rechercher Advanced Search

Latest topics
» Identifying iPod models
Mon Nov 12, 2012 7:10 am by Admin

» setool fls...........................
Mon Oct 01, 2012 1:17 am by Admin

» 10-digit T-Mobile phone number
Fri Aug 10, 2012 8:13 am by Admin

» bb reset.........................
Sun Dec 18, 2011 7:16 am by Admin

» Quick Installer to Flash your BlackBerry
Mon Dec 05, 2011 3:18 am by Admin

» 9780 unlocking guide
Mon Oct 10, 2011 1:53 pm by Admin

» phoenix cracked by fk
Sun Oct 09, 2011 1:29 am by Admin

» 10-digit Verizon Wireless number
Thu Oct 06, 2011 12:32 am by Admin

» 5 Easiest Ways To Remove Android Lock Screen From iPhone or iPod Touch
Sun Sep 25, 2011 8:09 am by Admin

Shopmotion


Navigation
 Portal
 Index
 Memberlist
 Profile
 FAQ
 Search
Affiliates
free forum
 

Anti pyramid campaign of dsap/DTI

View previous topic View next topic Go down

default Anti pyramid campaign of dsap/DTI

Post by Admin on Mon Mar 28, 2011 6:50 pm

Anti pyramid campaign of dsap/DTI

Paano maiwasang maging Biktima ng Pyramiding?

Ang Direct Selling Association of the Philippines (DSAP) at ang Department of Trade and Industry (DTI) ay naglunsad ng isang Anti-Pyramiding Education Campaign para sa inyong protection.

Para mapadali ang inyong pagkilatis kung ang kumpanya ay lehitimo at hindi nanloloko, narito ang 8-point test na maari ninyong gamiting basihan ng inyong desisyon:

1. May Produkto bang Ibinebenta? Ang mga pyramid scams ay kadalasang walang produktong ibinebenta. Kung mayroon man, hindi ito nangangahulugang lehitimo ang negosyo. Kailangan pa ninyong suriin ang mga puntong sumusunod.

2. Ang Komisyon ba na kikitain ay magmumula sa pagbebenta ng produkto at hindi mula sa registration o entry fees ng mga recruits? Kung kumikita ka sa pagrerecruit lamang at ang kinikita mo ay galing sa registration fees ng mga recruit mo, mag-ingat ka, ito ang pinaka-common trait ng pyramiding.

3. Ang layunin ba ng negosyo ay magbenta ng produkto at hindi lamang ang pagre recruit ng mga miembro? Sa ibang pyramiding schemes, ang mga tao ay bumibili lamang ng produkto dahil requirement ito para maging miembro.

4. Wala bang kaugnayan ang dami ng na-recruit sa dami ng perang kikitain? Ang “income” o kita, mula sa negosyo ay dapat manggagaling sa pagbebenta ng producto at hindi mula sa recruitment ng mga taong nagbayad ng “entry fees”.

5. Kung sakaling matigil ang pagre recruit, kikita pa ba ang mga miembro ng negosyong ito? Kung recruitment lang ang pagkakakitaan, tiyak na madaling babagsak ang negosyo kapag wala nang miembro na nare recruit at magbabayad ng entry fees.

6. May makatarungang Product Return Policy ba ang negosyong ito? Ito ang proteksiyon sa sinumang aayaw sa negosyo at gustong maibalik ang perang ipinuhunan niya.

7. May fair market value ba ang mga productong ibinebenta? Kailangan natin suriin kung ang halaga ng isang producto na ibinebenta sa pamamagitan ng direct selling ay kasing halintulad ng halaga nito kapag ibinenta sa mga tindahan.

8. May sapat bang dahilan ang mamimili na bilhin ang mga producto ayon sa presyo nito? Ang producto ba ay bibilhin pa rin ng isang tao kahit hindi ito interesadong sumali sa compensation plan nito?

Sa punto ng prospective member, may sapat bang dahilan na magbayad ng registration fee o investment ayon sa tangible benefits na makukuha dito?

Kung ang sagot nyo sa lahat ng tanong ay “oo” maaaring mapanatag ang inyong loob na patuloy makipagugnayan sa kompanyang ito.

Pero kung ang sagot naman sa kahit isa ay “hindi”, mag-ingat! Baka pyramiding ang negosyong iyan! Kung may katanungan tunawag sa DTI Hotline 897-7384. Isang paraan para makatiyak, sumali sa isang kompanya na miembro ng Direct Selling Association of the Philippines (DSAP).

Admin
Admin

Posts : 500
Reputation : 1
Join date : 2010-02-13

View user profile http://moderetsoteam.forum8.biz

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum